Friday, 11-17-2023

Baka hindi po malinaw yung sinasabi ko kanina sa isang “FB Live” ( INews Pasig yata yung nandun pero baka irepost din ng iba)…..
Kanina, may nahuli ang TPMO na NO HELMET (at naka student permit lang) , tinawagan si Kap Akaw para di na siya hulihin– maya maya pinuntahan pa ni Kap ang mga enforcer natin (sinugod) para sabihin na Bawal sila manghuli sa Dela Paz kung walang abiso sa kanya. Maling mali po ito. Abuse of authority.
Pag may mali ang TPMO enforcer (lalo na sa kotong), tinatanggal o suspendido sila. Pero pag tama ang ginagawa nila, SAGOT KO SILA. Kahit mayor pa ang natiketan, pag tama ang huli, respetuhin.
RESPECT THE LAW AND RESPECT UNIFORMED PERSONNEL.

Original Post