4-23-2024



Tuesday, 4-23-2024

Nandito na ang mga binili ng Pasig LGU na PERTUSSIS VACCINES.Nung nakita nating tumataas ang bilang ng kaso nito sa Metro Manila, agad tayong nagpa-emergency procurement ng 20,000 units ng pertussis vaccines.Target beneficiaries- kids and pregnant women. Madaling maiiwasan ang pertussis (whooping cough) kapag bakunado. Maaaring tumaas din bigla ang bilang ng kaso dahil sa mas mababang vaccination rates noong pandemya.Kanina (23 April 2024) sa Brgy Buting ang ceremonial vaccination, kasama ang 30 nanay/bata mula sa Buting, Kalawaan, at San Joaquin.#StaySafe #Pertussis #WhoopingCough