Friday 9-22-2023

ADVISORY
SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE afternoon (PM) classes sa lahat ng antas, pribado man o pampubliko, sa Lungsod ng Pasig ngayong araw, September 22, 2023.
Ito ay parte ng pag-iingat kaugnay ng nararanasang SMOG sa Metro Manila na posibleng dulot ng naitalang activity ng Taal Volcano.
Tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga awtoridad at pag-momonitor sa updates kaugnay nito.
Bilang proteksyon, pinapayuhan ang lahat na:
-magsuot ng face mask kung lalabas ng tahanan;
– hangga’t maaari ay limitahan ang paglabas ng bahay para mabawasan ang exposure sa smog;
-uminom nang maraming tubig para mabawasan ang anumang iritasyon sa lalamunan; at
-sumangguni sa doktor kung may maramdamang epekto ng smog sa kalusugan.
Mag-ingat po ang lahat. Maraming salamat.

Original Post