Tuesday 9-26-2023

ICYMI: TURN OVER NG FIRE TRUCKS SA BARANGAYS NG PASIG CITY
Narito ang ilan sa highlights noong Huwebes noong isang linggo, September 14, 2023, kung saan tatlong turn over ceremonies ang isinagawa para ganap nang maibigay sa 28 barangays ang fire trucks na mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Naging batayan ng donasyon ng fire trucks ay ang mga naging request mula mismo sa mga barangay.
Bukod sa highlights ay tampok din sa maiksing video na ito ang ilan sa mga special features ng mga nai-turn over na fire trucks (tulad ng seat-mounted self-contained breathing apparatus na makakatulong sa ating barangay responders, at low-frequency siren system).
I-check ang naunang post ni Mayor VIco Sotto tungkol dito: bit.ly/46dkryQ pati ang naunang post ng PIO: https://bit.ly/3EI6JIO

Original Post